Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

life
May 1.
2yrs ago, completed. now, breaking. LOL.

Oo nga, hindi tayo kailanman magtatagpo. Kahit kailan naman kasi, hindi kita nakitaan ng 'effort'. Pero hindi naman ako nagagalit sa part na `yun eh. Sana an lang labanan natin ang distansiyang `to. Pero bakit sumusuko ka na? =c

Ako nga eh, ilang beses sa isang araw kong iniisip na.. hindi ako karapat dapat. Pero wala rin naman akong magawa kasi talagang mahal na mahal kita.

Sa tingin mo talaga eh mas nakabubuti `yung kalimutan kita? Eto ngang mahal kita, nababaliw na ako, paano pa pag kinalimutan kita? LINTEK.

Ayokong magalit sa'yo. Kaya kung pwede sana makipag-usap ka ng ayos. Lalake sa Babae. Alam kong may mga pagkukulang ako. At ngayon, mukhang huli na ang lahat para punan ko iyon. Pero sana pagbigyan mo ako na manatili tayong magkaibigan.

Aasa ako habang buhay. Kahit alam kong walang patutunguhan. Okay lang na masaktan ako. Para sa'yo naman eh. Basta maging masaya ka. Okay na sakin `yun. Wala na akong hihilingin pa.

Alam ko naman na kahit kailan ay di ko mapapalitan ang pwesto ni A. Malay mo di ba, baka talagang kayo ang para sa isa't-isa. Hindi mo man ako ipinaglaban sa distansya, ipaglaban mo siya at patunayan mo sa kanyang karapat dapat ka.

Sana talaga maging masaya ka. Kung alam mo lang kung gaano kita ka-mahal.

Talagang isa kang pangarap. Mahirap abutin. at pag naabot, mahirap pakawalan.

Kinukuha ko na muli ang puso ko at ibinabalik ko na rin ang iyo.
Nandito lang ako kung kailangan mo ng kaibigan.
Yun ang lagi mong tatandaan. (:

Salamat kasi alam ko na ngayon kung paano ang pakiramdam na maging 'heartbroken'. (:


tengene.
Mahal kita.





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum