Bakit kaya nangangamba, Sa t’wing ika’y nakikita? Sana nama’y magpakilala.. Ilang ulit nang nagkabangga, Aklat kong dala’y pinulot mo pa, ‘Di ka pa rin nagpakilala..
Bawat araw sinusundan, ‘Di ka naman tumitingin. Anong aking dapat gawin?
Bakit kaya umiiwas? Binti ko ba’y mayr’ong gasgas? Nais ko lang magpakilala.. Dito’y mayr’on sa puso ko, Munting puwang laan sa’yo. Maari na bang magpakilala?
Bawat araw sinusundan, ‘Di ka naman tumitingin. Anong aking dapat gawin?
Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Kahit anong aking gawin ‘di mo pinapansin. Kailan, kailan hahaplosin ang pusong bitin na bitin? Kahit anong gawing lambing ‘di mo pa rin pansin.
Dito’y mayr’on sa puso ko, Munting puwang laan sa’yo. Maari na bang magpakilala?
Bawat araw sinusundan, ‘Di ka naman tumitingin. Anong aking dapat gawin?
Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Kahit anong aking gawin ‘di mo pinapansin. Kailan, kailan hahaplosin ang pusong bitin na bitin? Kahit anong gawing lambing ‘di mo pa rin pansin. Kahit anong aking gawin ‘di mo pinapansin.
Melancholic Trance · Tue Mar 04, 2008 @ 11:16am · 0 Comments |